Sampung (10) araw ang ibinigay ng House Committee on Ethics kay dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez para sagutin ang kinakaharap na ethics complaint na inihain ni Tagum City Mayor Rey Uy.
Ayon kay Ako-Bicol Partylist Representative Raul Angelo Bongalon na isa sa mga miyembro ng Komite, tatlong paglabag ang kinakaharap ni Alvarez sa House ethics panel.
Kabilang aniya dito ang Code of Conduct of the House of Representatives, hindi maayos na pag-ugali at ilang mga batas kabilang na ang libel batay na rin sa Revised Penal Code.
Sabi ni Bongalon, natanggap na ng opisina ni Alvarez ang kopya ng reklamo sa pamamagitan ng registered mail at sa e-mail na ipinaabot sa pamamagitan ng kanyang chief of staff.
Nilinaw naman ni Bongalon na ang isasagawang imbestigasyon kay Alvarez ay kaugnay sa magaspang na pag-uugali at walang kinalaman sa politika.