Speaker Alvarez, Iginiit Na Tama Lang Ang Pagpapatawag Kay De Lima Sa Kamara

4

MANILA – Sa kabila ng pag-alma ng ilang Senador sa show cause order na inisyu kay Senator Leila de Lima, iginiit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na nararapat lamang na ipatawag at paharapin sa Kamara ang Senadora.Dapat aniyang magpaliwanag si De Lima sa pang-iimpluwensya nito sa hindi pagdalo ni Ronnie Dayan sa mga unang pagdinig ng Kamara hinggil sa New Bilibid Prison (NBP) drug probe.Ang naturang mosyon ay naglalayong idepensa ni De Lima kung bakit hindi siya dapat ma-contempt dahil na rin sa pagpigil kay Dayan na tumestigo.Paliwanag ni Alvarez, ang pagpigil ni De Lima kay Dayan ay katumbas na rin ng paghadlang nito sa imbestigasyon ng House Committee on Justice.Ang ganitong hakbang ni De Lima ay isa nang malinaw na dahilan upang ito ay i-contempt ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments