Manila, Philippines – Ipinipilit ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagbibitiw ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Alvarez, panahon na para seryosong ikunsidera ni Bautista ang pagbibitiw sa pwesto dahil sa kontrobersiya kaugnay ng umanoy iligal at tagong yaman nito.
Aniya, bilang tanggapan na nangangasiwa ng halalan sa bansa ay napakahalaga ng pinamumunuang komisyon ni Bautista kaya kailangang manatili itong credible at hindi magandang nababahiran ito at ang mga opisyal ng COMELEC.
Gayunman, nilinaw ni Alvarez na magbitiw man si Bautista ay hindi ito ligtas sa pananagutan dahil mabigat ang mga pinasabog na alegasyon ng asawa nitong si Patricia Bautista.
Nagpahayag din si Alvarez na handa ang Kamara na siyasatin ang isyung kinasasangkutan ni Bautista salig na rin sa inihaing resolusyon.