Speaker Alvarez, isusulong na Kongreso na ang mag-aapruba ng prangkisa ng mga casino at iba pang negosyo

Manila, Philippines – Nais padaanin sa Kamara ang pag-a-apply ng prangkisa para makapag-operate ang minahan, casino, tayaan ng lotto, public utility vehicles at iba pang nangangailangan ng permit to operate.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, maghahain siya ng panukala para amyendahan ang lahat ng batas o charters na sumasaklaw sa mga negosyo para bigyan ang Kongreso ng sole power na mag-isyu ng mga prangkisa.

Sa ganitong paraan, ang Kongreso na lamang ang tanging magaapruba para sa prangkisa ng mga ito.


Gusto na ring baguhin ng speaker ang pangalan ng PAGCOR at gawing Philippine Games and Amusement Authority na meron lamang regulatory powers, gayundin ang PCSO na hindi na papayagang mag-operate ng mga patayaan.

Para naman sa minahan, kailangan anya ang mas mahigpit na pag-iisyu ng lisensya para matiyak ang kakayahan ng isang kumpanya na magnegosyo.

Ang plano ni Alvarez ay kasunod ng nangyari sa Resorts World at sa sinasabing pagkakagulo sa Small Town Lottery o STL.

Sa oras na maging batas, babawiin ang lahat ng mga kasalukyang prangkisa at bibigyan ng isang taon ang mga negosyo para makapagapply ng kanilang franchise sa Kongreso.
DZXL558

Facebook Comments