Speaker Alvarez, nakiusap na ibalik ng buo ng mga Marcos ang kanilang nakaw na yaman

Manila, Philippines – Hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez na sana ay maibalik na ng buo ng mga Marcoses ang nakaw na yaman nito sa gobyerno.

Ang pahayag na ito ng Speaker ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Duterte kahapon na bukas ang mga Marcos na isuko ang kanilang ill-gotten wealth sa pamahalaan.

Ayon kay Alvarez, magandang development ito pero sana ay hindi kakapiraso ang ibalik sa gobyerno.


Sinabi pa ni Alvarez na kung sakaling magkaoras na silang mga mambabatas sa Kamara ay sisilipin din nila kung magkano ba talaga ang mga nakaw na yaman.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa tukoy kung magkano ba talaga ang kabuuang nakaw na yaman ng pamilyang Marcos na dapat ay buong maibalik sa gobyerno.

Bukod dito, pag-aaralan din kung may dapat na mapanagot at kasuhan sa mga Marcos kahit pa ibinalik ang mga nakaw na yaman ng mga ito.

Facebook Comments