Speaker Alvarez, nanawagan sa Senado na magsabay na talakayin ang Cha-Cha sa 2018

Manila, Philippines – Nakiusap ang liderato ng Kamara na sabay na talakayin na rin ng Senado ang Charter Change o pagpapalit ng uri ng gobyerno sa Federalism.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, nabibinbin ang kanilang pagtalakay dahil hindi pa nakakabuo ng Constitutional Commission o ConCom ang Malacañang na siyang aaral at bubuo ng draft ng revised charter.

Pakiusap ni Alvarez sa Senado, sa oras na umpisahan nila sa Mababang Kapulungan ang diskusyon at kahit wala pa ang draft mula sa ConCom ay simulan na rin ng Senado ang kanilang debate dito.


Ito ay para sabay na makapag-convene bilang joint assembly ang Kamara at Senado upang mapagkasundo ang kanilang mga bersyon.

Sa ngayon ay nahihirapan ang Kamara na talakayin ang chacha dahil magiging abala ang mga kongresista sa budget hearing.

Plano ng Kamara de Representantes na umpisahan sa 2018 ang pagtalakay sa chacha dahil nagkakaroon na rin naman ng hearing sa iba’t ibang probinsya para sa konsultasyon ng Federalism.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments