Manila, Philippines – Hinimok ni Speaker Pantaleon Alvarez ang mga miyembro ng Kamara na ibigay ang hinihinging tulong ni Pangulong Duterte kaugnay ng deklarasyon nito ng martial law sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa Committee of the Whole, naniniwala ang speaker na kung susuportahan nila ang commander-in-chief ay mas magiging malakas ito sa pagdurog sa naisin ng mga terorista na maghasik ng karahasan.
Binigyang diin ni Alvarez na ang magiging desisyon nila sa bagay na ito ang tutukoy sa direksyon ng kanilang tugon sa banta ng mga teroristang grupo kabilang ang Maute na nanggulo sa Marawi city.
Naiintindihan din niya na merong ilang pag-aalinlangan sa martial law, pero nakiusap itong huwag tingnan ang sitwasyon ngayon base sa nangyari sa nakaraan.
Tiniyak naman ni Alvarez na handang manghimasok ang Kamara sakaling makitaan ng pangaabuso ang mga otoridad sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.
DZXL558, Conde Batac