Speaker Alvarez, tinawag na baliw si CJ Sereno

Manila, Philippines – Tahasang tinawag na baliw ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay dahil na rin sa planong hindi pagdalo ni Sereno sa pagdinig ng impeachment case nito bukas at sa pagpipilit pa ng Punong Mahistrado na hayaan ang kanyang mga abogado na dumalo sa hearing.

Sinabi ni Alvarez na parang hindi abogado si Sereno dahil alam naman ng Chief Justice na kailangang personal na humarap sa pagdinig ang ini-impeach at hindi ang mga abogado nito.


Ayon kay Alvarez, binibigyan nila ng due process ang Punong Mahistrado sa pagbibigay ng pagkakataon na madinig ang mga reklamo laban dito at ang kanyang depensa.

Kung tutuusin ay kaya naman nilang iakyat ang complaint sa impeachment court noon pa pero hindi nila ginawa dahil gusto nilang mapag-aralan itong mabuti.

Ayaw din naman nilang magkalat sa impeachment court sakaling tumayo nang prosecutors ang mga kongresista.

Facebook Comments