Speaker Arroyo, dumalaw sa burol ng mga nasawi sa lindol

Personal na dinalaw ni House Speaker Gloria Arroyo ang burol ng mga nasawi sa 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Central Luzon.

 

Aabot sa anim na pamilyang namatayan dahil sa lindol sa Lubao at Porac Pampanga ang dinalaw ni Arroyo sa maghapong ito.

 

Kasama ni Arroyo si Pampanga Governor Lilia Pineda na nag-ikot para dalawin ang mga biktima ng naiwang pamilya.


 

Nagpaabot ng financial at burial assistance si Arroyo at ang lokal na pamahalaan para sa mga namatayan habang tulong pinansyal at medikal naman ang ibinigay sa mga sugatan sa lindol.

 

Pinuntahan din ng Speaker ang Chuzon Supermarket para silipin ang rescue operation.

 

Ininspeksyon din ni Arroyo ang Porac Church na lubhang nasira matapos ang malakas na pagyanig ng lindol.

Facebook Comments