Matapos lumabas ang balitang babawiin ng Kamara ang kanilang bersyon ng 2019 budget, itinanggi ni House Speaker Gloria Arroyo ang pag-recall sa pambansang pondo.
Ayon kay Arroyo, hindi nila wini-withdraw ang isinumiteng 2019 budget kundi tatalakayin lang ang kanilang ipinapanukalang bagong bersyon sa pambansang pondo.
Dahil dito, naka-deadlock pa rin ang senado at Kamara ukol sa panukalang 2019 national budget.
Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong ang dating pangulo kay San Juan Rep. Ronaldo Zamora na itinalaga bilang negotiator sa senado at iba pang house members, para ayusin ang gusot.
Muli namang nanindigan si Arroyo na igigiit nila ang ‘no lump sum’ sa 2019 budget dahil unconstitutional ito.
Kapag hindi aniya sila nagkasundo ni Senate President Tito Sotto ay walang budget na makakarating sa Office Of The President para malagdaan bilang batas.