Speaker Cayetano, hinamon si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na patunayang may sapat siyang numero para matalsik siya sa puwesto

Hinamon ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na patunayang may sapat itong number para mapatalsik siya sa puwesto bilang House Leader.

Nagbigay ng dalawang suhestyon ang kampo ni Cayetano sa kung paano magagawa ni Velasco, pero hindi sa pamamagitan ng botohan sa plenaryo.

Sinabi ni Cayetano, kailangang patunayan ni Velasco na mayroon siyang suporta mula sa mayorya sa pamamagitan ng manifest of support.


“Tapusin na natin, may numero ka, ipakita mo sa akin. Let’s finish this if you have the numbers, show me,” ani Cayetano.

Ipinanukala naman ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte kay Velasco na pangalanan ang mga sumusuporta sa kanya sa media.

“Nobody can stop them. Ito ang clear that everything should be done according to rules,” sabi ni Villafuerte.

Sa ilalim ng patakaran sa Mababang Kapulungan, ang paghalal sa isang House Speaker ay maisasagawa lamang kung mababakante ang posisyon at kung ang susunod na speaker ay pinili ang botohan sa plenaryo.

Ang kampo ni Velasco ay isinusulong ang botohan sa October 14 kung hindi kikilalanin ni Cayetano ang term sharing agreement.

Sa nagkagulatan nang biglang sinuspinde ni Cayetano ang sesyon hanggang November 16.

Facebook Comments