Speaker Cayetano, naniniwalang may sapat na basehan ang Pangulo sa pagpapatigil ng gaming operations ng PCSO

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na may ‘substantial’ corruption sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ito ang nagtulak kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang lahat ng gaming operations nito.

Ayon kay Cayetano – ang kautusan ng Pangulo laban sa PCSO ay base na rin sa mga natatanggap niyang impormasyon.

Aniya, maraming pinagkukunan ng intelligence ang Pangulo.


Buo naman ang tiwala ni Cayetano na may magandang kakahinatnan ang utos ng Pangulo.

Facebook Comments