Speaker Cayetano, tiniyak ang pagiging patas sa 2021 budget sa kabila ng napaulat na kudeta sa kanya

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging patas siya sa mga alokasyon sa 2021 budget sa kabila ng naudlot umanong kudeta laban sa kanyang liderato.

Ayon kay Cayetano, pantay na ilalaan ng Kamara sa mga lokal na pamahalaan, congressional districts at mga ahensya ng gobyerno ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Sa tulong aniya ng ehekutibo at ng Senado ay magpapatupad ang Kamara ng federalism sa budget para masigurong walang lalawigan, lungsod o munisipalidad ang mapag-iiwanan sa alokasyon ng pondo.


Ipinaliwanag nito na mas sustainable, equitable at inclusive ang federalism kaya walang dahilan para hindi mailawan at mabigyan ng tubig ang mga liblib na lugar.

Tiniyak rin ng Speaker na paglalaanan ng sapat na pondo ang Build, Build, Build infrastructure program ng administrasyong Duterte.

Pinag-aaralan ng economic managers ang budget na ₱4.6 trillion para sa 2021 o mas mataas ng ₱500 billion kumpara ngayong taon.

Facebook Comments