
Binibigyan ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ng hanggang Lunes, September 29, 2025 para bumalik sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Nakasaad ito sa liham ni Dy kay Co kung saan binibigyang-diin na kapag hindi sumunod si Co ay magpapakita ito na ayaw nitong maisailalim sa mga prosesong itinatakda ng batas na hudyat para magpatupad ang Kamara ng kaukulang disciplinary at legal actions laban sa kanya.
Tugon ito ni Dy sa sulat sa kanya ni Co na ipinasa na sa House Committee on Ethics kung saan ito may kinakaharap din itong reklamo.
Nangako naman si Dy na kapag bumalik sa bansa si Co ay makikipag-ugnayan ang Kamara sa mga otoridad para sa kaligtasan nya at ng kanyang pamilya.
Binigyang-diin ni Dy na ang pagbawi sa travel clearance ni Co ay hindi dapat ituring na maagang paghusga kundi pagbibigay ng pagkakataon na harapin nito sa proper forum ang mga paratang laban sa kanya.









