Speaker-elect Lord Allan Velasco at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, nagkasundo na

Kinumpirma ni Speaker-elect Lord Allan Velasco na nagkasundo na sila ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Sa pagbubukas ng special session ngayong hapon, mismong si Velasco ang nag-preside at ipinaabot sa mga kongresista ang magandang balita.

Ayon kay Velasco, nagkaayos na sila ni Cayetano matapos ang ginawang pulong sa palasyo kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.


Aniya, mabigat man ang pinagdaanan ng Kamara dahil sa mga hindi pagkakaintindihan ay naisaayos naman ito sa huli.

Dahil nagkabati na sila ni Cayetano ay ipinaabot din ni Velasco ang pakikipagkasundo sa iba pang mga kongresista na nakaalitan.

Hinimok nito ang lahat ng myembro na magkaisa, palakasin ang Kongreso at ipakita na “honorable” pa rin silang mga kongresista.

Facebook Comments