SPEAKER EUGENIO PEREZ NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL (SEPNAS) SA SAN CARLOS CITY, UMARANGKADA NA PARA SA EXPANDED LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Isa ang Speaker Eugenio Perez National Agricultural School (SEPNAS) sa San Carlos City, ang napabilang sa pilot implementation ng expanded ng limited in-person classes, kahapon, February 21,2022.

Ayon kay Dr. Marites Cabatbat, School Principal ng nabanggit na paraalan na magiging cycle ang pagpapatupad ng klase para sa mga estudyante na kabilang sa face-to-face kung saan tanging ang mga may Technical Vocational Education ang kasali mula Grade 8 hanggang 10, ito ay bilang konsiderasyon sa dami ng estudyante at upang maayos na maipatupad ng maayos ang health protocols.

Napili bilang pilot subject ang TVE dahil sa kailangan umano ng mga practical at on site activities dito kaya naman binigyan ito ng konsiderasyon. Ilan sa mga may practical at onsite activities ay sa hanay ng crop at animal production, food processing, dressmaking at iba. Ang mga academic subjects naman ng mga ito ay tuloy sa blended learning online at modules.

Batay naman sa datos ng bawat Grade Level ay kinabibilangan ng Grade 8 na may 760, Grade 9 na may 672, Grade 10 na may 635 na estudyante at kabuuang 405 para naman sa Senior High na may TVL track kung saan limitado hanggang 20 kada silid ang magkaklase. Ang mga hindi naman pinayagan na makilahok sa face-to-face classes ay magsasagawa ng practicum sa bahay na may patnubay parin ng mga guro.

Ang bilang na ito ay tanging 40% mula sa kabuuang ng estudyante na naka enrol sa paaralan. Hindi naman umano kasama nag Grade 7 dahil sa sila ay nasa exploratory pa lamang ngunit binabalak naman silang isama sa pagpapalawig pa nito.

Samantala, ang mga estudyante ay sinigurong nakasunod sa protocols tulad ng temperature checking at pagpapaalala sa social distancing kasabay ng pagpasok sa paaralan sa tulong na din School Based Disaster Risk Reduction Management Council na pinangungunahan ni Angelica Mae Padua at ng SDRRM Student-Led School Watching Team kasama rin ang specially trained na estudyante ng nasabing paaralan upang magpatupad ng ilang health protocols.

Nanguna rin sina Mr. Adan Allan Manamtam (School DRRM Coordinator – Junior High), Mr. Martin Diego A. Diokno (School DRRM Coordinator – Senior High), Mrs. Luzviminda Poquiz (Committee Member). | ifmnews

Facebook Comments