Speaker GMA, dumalo sa Boao Forum sa China

Nakipagpulong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Chinese Premier Li Keqiang kasabay ng pagdalo niya sa Boao Forum for Asia (BFA) Annual Conference sa Hainan, China.

Si Arroyo ay nasa ikalawang taon niya bilang board member ng BFA, ang organisasyon na layuning pagsamahin ang mga lider ng iba’t-ibang gobyerno, negosyo at academic institutions sa Asya upang mapag-usapan ang mga ilang mahahalagang usapin sa rehiyon at sa buong mundo.

Pinuri ni Arroyo ang belt and road initiative ng China, na siyang muling magbubuhay sa dating “silk road” na mag-uugnay sa China sa Asya, Europa at iba pang kontinente.


Ayon pa kay Arroyo na ang China ay isang “partner” at hindi “threat” sa bansa.

Naniniwala rin ang House Speaker na gaya ng Pilipinas na isang developing country ay dapat pang pagbutihin ang relasyon nito sa China.

Facebook Comments