Manila, Philippines – Pinuri ni House Speaker Gloria Arroyo ang mga economic managers sa pagbaba ng inflation rate nitong Abril.
Mula sa 3.8% noong Pebrero, naitala sa 3% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng mga bilihin.
Ayon kay Arroyo, patunay lamang ito na epektibo ang mga hakbang na isinagawa ng pamahalaan para mapababa ang inflation rate sa bansa.
Kabilang na aniya rito ang pagtugon sa mataas na presyo ng bigas sa pamamagitan ng Rice Tariffication Law na inaasahang magpapabaha ng suplay sa merkado.
Una nang tinukoy ng National Economic and Development Authority o NEDA na may kinalaman ang stable rice supply sa patuloy na paghupa ng inflation na pinakamabagal sa loob ng labing-anim na buwan.
Bagamat nakatakdang ibaba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates, babantayan pa rin ang posibleng epekto ng tagtugyot sa inflation dulot ng El Niño phenomenon.