Speaker GMA, pinuri ang paggalang ng ehekutibo sa proseso ng lehislatibo sa pagpasa ng 2019 budget

Manila, Philippines – Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si House Speaker Gloria Arroyo sa pamahalaan dahil sa paggalang ng ehekutibo sa independence ng kapulungan lalo na sa kakatapos na pag-apruba ng 2019 national budget.

Sa talumpati ni Arroyo bago ang break ng Kongreso, sinabi nito na ang panukalang 2019 budget na marahil ang pinakanahimay na panukala sa mga nakalipas na dekada.

Ikinatuwa ng speaker ang pagrespeto ni Pangulong Duterte sa constitutional ng dalawang kapulungan para matiyak ang transparency at accountability sa budget process.


Pinuri din ni Arroyo ang Senado dahil sa “joint achievement” ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Samantala, nagpasalamat naman din ito sa kanyang mga kasamahan sa Kamara sa pagpasa ng makabuluhang mga panukalang batas sa kanyang speakership stint lalo na ang mga priority bills ng punong ehekutibo.

Facebook Comments