Manila, Philippines – Nagbabala si Senator Panfilo Lacson na posibleng makasuhan ng falsification si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay matapos nitong pirmahan ang bersyon ng panukalang 2019 national budget na mayroong mga probisyon na hindi naman kasama sa niratipikahan ng bicameral conference committee.
Ayon kay Lacson, kahit na sinumang nagbabayad ng buwis ay maaari nang pumunta sa Ombudsman o Department of Justice (DOJ) para maghain ng kasong kriminal laban kay SGMA dahil dito.
Giit naman ni House Majority Leader Representative Fredenil Castro, hindi nila aalisin ang mga na-itemize na budget para sa mga proyekto nila.
Aniya, ginawa nga nila ito para mas malinaw kung saan mapupunta angg pondo.
Matatandaang una nang nagpatawag ng pulong sa mga lider ng Senado at Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte para ayusin ang gusot sa panukalang budget pero nabigo ang mga ito.