Speaker-in-waiting Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, handang suportahan ang mga panukala ng Pangulo

Nakahandang suportahan ni Speaker-in-waiting Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang mga tinukoy na priority measures ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Naniniwala si Velasco na ito ang mga mahahalagang hakbang na makakatulong na makausad ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Malinaw rin aniyang inilatag ng Pangulo ang mga polisiya at intensyon ng administrasyon sa mga susunod na buwan para labanan ang Coronavirus Disease.


Tinukoy naman ni Velasco ang limang paraan para makabangon ang bansa at ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa krisis.

Kabilang sa limang paraan na ito ang maayos na internet service, mabilis na interconnectivity, pagpuksa sa red tape, pagpapabagal sa virus transmission sa face-to-face contact at pagbuo ng digital literate generation.

Tiwala ang kongresista na ang mga hakbang na ito ang makakatulong at makapagpapabilis ng serbisyo at mga transaksyon para sa new normal na paraan ng pagtatrabaho, pagnenegosyo at sa pag-aaral.

Facebook Comments