Nakatakdang magpulong ngayong araw sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Ayon kay Romualdez, kanilang tatalakayin ang mga panukalang batas na prayoridad ng kasalukuyang administrasyon gayundin ang pagpapalakas sa ugnayan ng mataas at mababang kapulungan.
Paliwanag ni Romualdez, mahalagang magkatugma ang kilos ng Senado at Kamara pagdating sa pagpasa ng mga kailangang panukalang batas.
Binanggit pa ni Romualdez na naipasa na ng Kamara ang lahat ng priority measures na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang ikawalang State of the Nation Address (SONA) at ang nasa listahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Diin ni Romualdez, mahalaga ang kooperasyon sa pagitan ng Senado at Kamara para magtagumpay ang mga programa at repormang ipapatupad ng administrasyon.