Speaker Romualdez at VP Sara, maayos ang relasyon sa isa’t isa

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na okay ang relasyon nila ni Vice-President Sara Duterte.

Sinabi ito ni Romualdez makaraang makuhaan silang dalawa ni VP sara ng larawan noong departure speech ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bago ito umalis patungong Malaysia.

Sa naturang picture ay makikitang masaya habang magkasabay na naglalakad sina Romualdez at Duterte.


Nakahawak pa si VP Sara sa braso ni Romualdez at sila ay parehong nakangiti.

Magugunitang lumabas ang isyu na may tensyon sa dalawa makaraang magbitiw si Duterte sa LAKAS-CMD kung saan siya ang chairperson habang si Romualdez naman ang pangulo.

Facebook Comments