Binigyang diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na walang personalan sa panibagong disciplinary action ng Kamara kay Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
dahil sa patuloy na pagtanggi na bumalik sa bansa at gampanan ang kanyang trabaho ay pinatawan ng Kamara ng 60 araw na suspensyon si Teves at inalis din bilang miyembro ng mga Komite.
Ayon kay Romualdez, Ginagawa lamang nila ang sinumpaang tungkulin at pangako sa sambayanan at hindi nila papayagan na sirain ninuman ang integridad ng Kongreso.
Payo ni Romualdez kay Teves, harapin ang pagkakasangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo at kumilos ng may dignidad bilang sukli sa mandato na ibinigay sa kanya ng sambayanan.
Paalala pa ni Romualdez kay Teves, walang sinuman sa kanila ang nakahihigit sa batas.
Samantala, si Romualdez din ang magsisilbing legislative caretaker ng distrito ni Teves sa loob ng dalawang buwan na ito ay suspendido hanggang July 30, 2023.
.