itinalaga ng House of Representatives si Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang caretaker ng unang distrito ng Palawan matapos pumanaw nitong March 13 si congressman Edgardo Salvame.
Isinulong ito ni Deputy Majority Leader at Isabela 6th District Rep. Inno Dy sa plenary session kahapon.
Dahil walang kongresista ang kumontra ay inaprubahan ito ni Deputy Speaker Raymound Democrito Mendoza.
Bukod dito, si Romualdez ay unang itinalaga bilang caretaker din ng Palawan 3rd District dahil sa pagpanaw ni Rep. Edward Hagedorn noong October 2023.
Caretaker din si Romualdez ng Cavite 7th District na binakante ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; Negros Oriental 3rd District matapos masipa sa kamara si dating Congressman Arnie Teves at Batangas 3rd District na iniwan naman ni Finance Secretary Ralph Recto.