
Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng agarang pandaigdigang pagkilos at pagpapatupad ng batas upang matugunan ang pamamayagpag ng misinformation gamit ang artificial intelligence o AI at mga cyber threats.
Laman ito ng talumpati ni Romualdez sa 29th Parliamentary Intelligence-Security Forum na ginanap sa Madrid.
Babala ni Romualdez, lumalaki ang panganib na dulot ng paggamit ng AI bilang armas sa pagpapakalat ng maling impormasyon, impluwensyahan ang politika, at pahinain ang mga demokratikong institusyon.
Binigyang-diin ni Romualdez ang resolusyong pinangunahan ng Pilipinas sa 45th ASEAN Inter-Parliamentary Assembly, na nananawagan ng magkakaugnay na pambansang estratehiya sa responsableng paggamit ng AI, alinsunod sa ASEAN Digital Masterplan.
Layunin nito na maproteksyunan ang mamamayan laban sa pang-aabuso at manipulasyon.









