Speaker Romualdez, walang kinalaman sa people’s initiative

Binigyang diin ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, na walang kinalaman si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa isinusulong na people’s initiative (PI) para amyendahan ang 1987 constitution.

Ayon kay Tulfo, walang utos si Romualdez kaugnay sa Charter Change at lalong hindi totoo na ireregalo ito sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sa katunayan, ayon kay Tulfo, hindi napag usapan ng liderato ng Kamara na pipiliting magkaroon ng people’s initiative o kailangan ng signature campaign para maisulong ang pagrebisa sa Saligang Batas.


Facebook Comments