
Sumentro sa pag-welcome at pagbibigay ng guidance at suporta sa mga bagong kongresista na magiging bahagi ng 20th Congress ang fellowship dinner na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at mga kongresista.
Ayon kina Assistant Majority Leader Ernix Dionisio ng Maynila at Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, ang pagtitipon ay nagsilbing pagtatapos ng tatlong araw na orientation seminar para sa mga papasok na mambabatas.
Diin nina Dionisio at Adiong, hindi dito napag-usapan ang speakership at ang impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Binanggit nina nina Dioniso at Adiong, na sa naturang fellowship dinner ay hindi humingi ng suporta si Romualdez para mapanatili ang pamumuno niya sa Kamara sa 20th Congress.
Facebook Comments









