Special child, nilagyan ng tape sa bibig ng guro dahil maingay umano sa klase

Courtesy Perez Rosep

Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag ng isang nanay ang kaniyang galit at reklamo sa isang guro ng Special Education na naglagay ng masking tape sa bibig ng anak dahil umano sa pagiging maingay.

Kuwento ng ina, meron attention-deficit hyperactive disorder o ADHD at speech delay ang 6 na taong gulang na supling.

Nakita ng ama na may tape ang musmos sa bibig nang sunduin niya ito sa paaralan.  Kuwento mismo ng bata, ginawa ito ng kaniyang titser.


Depensa ng guro sa tatay ng paslit, tinakpan niya ng tape ang bibig ng estudyante para disiplinahin.

Hindi man binanggit sa post kung saan nag-aaral ang bata, sinabi ng magulang na pumapasok ito sa isang kilalang SPED school.

Samantala, nakasaad sa pinakahuling post ng ina ng special child na sinampahan nila ng kaso ang titser at pamunuan ng eskuwelahan.

Facebook Comments