Ituturing nang pangunahing komite sa Kamara sa pagpasok ng 19th Congress ang Special Committee on North Luzon Quadrangle.
Ginawa ang regularisasyon ng komite bago ang sine die adjournment ng 18th Congress.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang committee chairman na si Pangasinan Rep. Ramon Guico III kina Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Martin Romualdez gayundin sa mga sumuporta para sa pagbabago ng komite bilang ganap na ‘standing committee’ sa Mababang Kapulungan.
Matapos aniya ang 26 na taon ay natupad din ang kahilingan para sa regularisasyon ng espesyal na komite.
Sakop ng Committee on North Luzon Quadrangle ang lahat ng usapin at isyu sa polisiya at programa ng mga munisipalidad, syudad at iba pang komunidad sa Northwest Luzon area.
Pinakahuli naman sa tinalakay ng komite bago matapos ang 18th Congress ay ang usapin sa accreditation ng mga ospital, update sa claims at ang pagtataas sa premium contribution ng PhilHealth.