Special courts para sa mga corruption cases kaugnay sa infrastructure projects, itatalaga ng Korte Suprema

Inatasan ng Supreme Court ang Office of the Court Administrator na bantayan ang mga kasong may kinalaman sa korapsyon sa mga infrastructure projects na isasampa sa mga Regional Trial Court.

Ayon sa SC, sakaling may maisampang kaso, magtatalaga ng mga special courts na siyang nakatutok sa pagdinig at pagresolba ng mga kasong may kaugnayan sa katiwalian sa mga infra projects.

Bahagi anila ito ng pagpapatupad ng Strategic Plan for Judicial Innovations o SPJI, na layong palakasin ang transparency, efficiency, at accountability sa hudikatura sa pamamagitan ng digitalization programs tulad ng eCourt PH.

Saklaw ng mga repormang ito ang lahat ng antas ng korte mula trial courts hanggang sa Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at mismong Supreme Court.

Layon ng programa na tugunan ang problema ng mabagal na pag-usad ng mga kaso at backlog sa mga korte, habang pinalalawak ang access sa hustisya para sa lahat.

Facebook Comments