Nakatakdang magtayo ng special COVID-19 vaccination hubs ang gobyerno para sa mga may HIV at kanser.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ito ay upang mas marami pang maturukan ng bakuna sa hanay ng mga may comorbidities at mga senior citizens.
Itatayo sa San Lazaro Hospital ang special hub ng mga may HIV.
Ang National Kidney at Transplant Institute ay nagsagawa ng pagbabakuna sa mga transplant recipients at donors, habang ang may tuberculosis naman sa Lung Center of the Philippines.
Sa ngayon batay sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), higit 48.40% o 3.4 milyon sa pitong milyong may comorbidities ay fully vaccinated na nitong Agosto 2.
Facebook Comments