Ipapatayo sa lalawigan ng Pangasinan ang Special Drug Center na layong ilayo ang mga out- of – school youth at street children sa illegal drugs at magbigay ng kaalaman upang maiwasan ang pang aabuso.
Nagsagawa ng orientation ang lalawigan kasama ang Department of Interior and Local Government bilang paghahanda sa pagpapatayo ng naturang center.
Unang sumailalim sa unang araw ng oryentasyon ang iba’t-ibang stakeholders’ ng una at ikalawang distrito ng Pangasinan, kasama ang mga sumusunod: Municipal at City social Welfare and Development Officer, miyembro ng Sangguniang Kabataan, ilang DILG field officers at kinatawan mula sa Pangasinan Provincial Police Office.
Ang itatayong SDEC ng lalawigan ay pamumunuan ng PSWDO na makakatulong sa mga out-of-school youth na may edad 15 hanggang 30 at street children na may edad 18 pababa.
Kabilang sa mga serbisyo at proyekto na maisasagawa sa Special Drug Education Center ay skills training, leadership training, literacy program, personality development, family counseling at iba pang recreational activities.
Samantala, nakatakdang sumailalim sa parehong orientation ang stakeholders ng ikatlo at ikaapat na distrito sa Hulyo 28 at susunod naman sa Hulyo 29 ang mga stakeholders mula ikalima at ikaanim na distrito.