Nasa P11,550,000 million ang kabuuang Special Education Fund ng Provincial School Board ng La Union na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang naturang pondo ay ilalaan sa mga hakbang upang mapanatili at mapabuti pa ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa 462 pampublikong paaralan sa lalawigan.
Matatandaan na isinusulong sa mga paaralan ang inklusibong pagtutok sa moral at mental health ng mga mag-aaral kabilang ang limitasyon sa backpack upang maiwasan ang pagdadala ng ipinagbabawal na bagay sa loob ng paaralan.
Tiniyak ang maagap na paggamit ng pondo para sa kaunlaran ng edukasyon sa La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









