Manila, Philippines – Isinusulong ni Deputy Majority Leader Marlyn Alonte na palawigin ang sakop ng special education fund (SEF) ng mga LGUs.
Paliwanag ni Alonte, underutilized o hindi nagagamit ang SEF dahil limitado lamang ang paggugol dito sa operation and maintenance ng mga public schools, construction at repair ng mga school buildings, facilities, equipment, gayundin para sa educational research, pambili ng libro at periodicals at sports development.
Layunin ng House Bill 4810 ng lady solon na gawing available sa lahat ng funding ng education projects ang SEF para magamit ng husto ng mga LGUs.
Kung magiging malawak ang sakop ng SEF ay maaari na itong gamitin ng mga LGUs sa alternative learning system (ALS) sa mga out-of-school-youth at elderlies gayundin sa dagdag na allowance o benepisyo para sa mga teaching at non-teaching personnel at iba pa.
Giit pa ng kongresista, bagamat pinakamalaki ng pondo sa 2020 ay mapupunta sa edukasyon, maliit pa rin ito dahil ito ay hahatiin sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa kaya malaki ang maiaambag na tulong na pondo ng SEF ng mga LGUs.