Handa na ang gagawing special elections bukas, February 25 sa 7th District ng Cavite.
Ito ay para punan ang nabakanteng puwesto sa 19th Congress matapos maupo bilang Justice Secretary ang nanalong kongresista noong 2022 Elections na si Jesus Crispin Remulla.
Sakop ng ika-pitong distrito ng Cavite ang mga lungsod at bayan sa Trece Martires, Indang, Amadeo at Tanza.
Automated ang sistemang gagamitin sa special elections na babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc at kasama sa mga boboto sa Indang si Chairman George Garcia.
Nabatid na nasa 355,184 ang registered voters sa ikapitong distrito ng Cavite kung saan wala ng nakikitang problema pa ang COMELEC sa gagawing halalan.
Nasa apat na kandidato ang maglalaban-laban para sa nasabing posisyon habang inaasahan naman ni Garcia at ng COMELEC na posibleng umabot ang voters turnout mula 60 hanggang 70% lalo na’t karamihan sa mga botante ay walang pasok.
Nakahanda na rin ang Cavite Philippine National Police sa seguridad at pagbabantay para maging maayos at payapa ang gagawing botohan.