Special Election sa Jones, Isabela, Payapa sa Kabuuan!

102

*Jones, Isabela-* Payapang natapos ang isinagawang Special Election kahapon, May 20, 2019 sa Brgy Dicamay Uno, Jones, Isabela.

Ito ang kinumpirma ni PCapt Fernando Mallillin, hepe ng PNP Jones kung saan wala namang naitalang hindi kanais-nais na insidente sa lugar hanggang sa matapos ang nasabing halalan bandang alas singko na ng hapon.


Batay sa kanilang report, mula sa 762 na registered voters sa Brgy. Dicamay Uno ay nasa 502 lamang ang bumoto kahapon.

Matagumpay namang nadala ng mga Special Electoral Boards sa munisipyo ng Jones ang mga balota kasama ang mga security escorts at naiproklama na rin ganap na alas diyes kagabi ang walong Sangguniang Bayan members na nanalo sa naturang bayan.

Sa ngayon ay mahigpit pa rin ang inilatag na seguridad ng PNP katuwang ang 86th Infantry Battalion, 5th ID, Philippine Army sa bayan ng Jones upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Facebook Comments

From Advertisers