Special elections, ikakasa sa ilang lugar sa Oktubre

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa October 26 ang special elections para sa mga kinatawan ng Southern Leyte, South Cotabato at General Santos City.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10561, itinakda ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa August 26 hanggang 28.

Ang huling araw naman ng filing ng correction o pagwawasto sa pangalan ng mga kandidato sa balota ay sa September 11.


Ang mga substitute candidates ay pwedeng maghain ng COC hanggang September 16.

Matatandaang sinuspinde ang halalan sa pagkakongresista sa mga nasabing lalawigan.

Facebook Comments