Special elections kapalit ng mababakanteng posisyon ni Sen. Sonny Angara, nakadepende sa Senado — Comelec

Walang mababago sa dami ng mga ibobotong senador sa 2025 midterm elections.

Ito ay kahit na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay Commission on Elections Spokesperson George Erwin Garcia, mananatili sa 12 ang ibobotong senador sa susunod na taon.


Paliwanag ni Garcia, patapos na rin naman ang termino ni Angara sa susunod na taon.

Habang nakadepende naman aniya sa Senado kung magpapatawag sila ng special election sa nabakanteng posisyon ni Angara.

Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr., si Angara bilang kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa gabinete noong nakaraang buwan.

Facebook Comments