Special elections para sa paghalal ng bagong kinatawan sa ikatlong distrito ng Negros Oriental, hiniling ng Kamara

Nanawagan ang Mababang Kapulungan sa Commission on Elections (COMELEC) para magpatawag ng special elections sa ikatlong distrito ng Negros Oriental para maghalal ng bagong kinatawan kapalit ni dating Congressman Arnulfo “Arnie” Teves.

Ang naturang hiling sa COMELEC ay nakapaloob sa House Resolution 1212 na pinagtibay sa plenaryo at inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Zamboanga Rep. Mannix Dalipe, at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan.

Ang pagpapatibay sa resolusyon ay kasunod ng pagdeklara o sertipikasyon ng Kamara na bakante na ngayon ang dating pwesto ni Teves.


Magugunitang si Teves ay pinatalsik bilang miyembro ng House of Representatives noong August 16 dahil sa disorderly behavior at paglabag sa code of conduct.

Basehan nito ang patuloy na pagliban ni Teves sa trabaho, indecent behavior bunsod ng pagsasayaw ng naka-boxer short at walang damit na pangitaas na ipinost sa kanyang Facebook page gayundin ang paghingi nito ng asylum sa Timor Leste.

Facebook Comments