Magsasagawa ng special elections ang Commission On Elections (Comelec) sa barangay Dicamay 1 sa bayan ng Jones, Isabela sa lunes, May 20.
Kasunod ito ng intensyong panununog sa mga vote-counting machines sa lugar noong mismong araw ng eleksyon.
Kabilang sa nasunog ay ang nasa 200 balota na hindi nabilang dahil sa aberya sa VCM mula naman sa 11 polling precinct sa Jones, Isabela.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, aprubado ng Comelec En Banc kagabi ang planong pagsasagawa ng special elections sa lugar para sa local at national positions.
Samantala, dalawang suspek sa panununog ng VCM ang naaresto na ng pulisya noong miyerkules.
Kinilala ang mga ito na sina Jayson Leano and Rodel Pascual.
Facebook Comments