Special employment sa mga kabataan tuwing school break, ipinagpaliban ng DSWD dahil sa pandemya

Ipinagpaliban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ngayong 2021 ng Government Internship Program (GIP).

Ang GIP ay isang component ng Kabataan 2000 program ng gobyerno na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga out-of-school at in-school youth na magkaroon ng hands-on experience sa pagtatrabaho sa government agencies.

Sa ilalim ng programa, ang mga qualified youth na nasa edad 18 hanggang 25 ay tatanggap ng daily stipend sa loob ng 30 days na pagtatrabaho.


Ang GIP ay tumatakbo mula Abril hanggang Mayo o sa panahon ng school break.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ipinagpaliban ang GIP bilang pagtalima sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagbabawal sa mga kabataan na lumabas sa kanilang mga bahay habang may COVID-19 pandemic.

At alinsunod na rin ito sa Civil Service Commission (CSC) Memorandum o Alternative Work Arrangements and Support Mechanisms na naglilimita sa workforce sa mga government offices para mapanatili ang social distancing.

Facebook Comments