Manila, Philippines – Pansamantalang iiwan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang kaniyang tungkulin sa ahensya.
Ayon kay Cimatu, magfa-file siya ng leave of absence para gampanan muna niya ang pagiging special envoy to Libya.
Matatandaang si Cimatu ay isa sa inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makikipag-negosasyon para sa kalayaan ng tatlong Filipino engineers na dinukot sa Libya.
Sabi ni Cimatu, hihingi siya ng tulong sa Libyan government para maayudahan ang mga pamilya ng mga bihag na Pinoy.
Makakasama ni Cimatu sa misyon sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Gayunman, wala pang petsa kung kailan ang biyahe ng mga ito patungong Libya.