SPECIAL GUEST | KZ Tandingan, wish na makasama sa concert si Jessie J

Manila, Philippines – Wish ngayon ni Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan na maging special guest sa kanyang concert ang idolo niyang si Jessie J.

Biro ni KZ, kahit ibigay na lahat ng spotlight kay Jessie J, okay lang sa kanya.

Kung siya naman daw ang aalukin ng collaboration kasama ang kanyang idol, hinding-hindi niya rin daw ito tatanggihan.


Samantala, aminado si KZ na magkahalong saya at pressure ang nararamdaman niya sa bago niyang title bilang Asias’s Soul Supreme.

Ito na raw ang kanyang ‘fruit of hard work’ kaya kailangan niyang ibigay lagi ang best niya sa kanyang mga performance.

Gaganapin ang major concert ni KZ na pinamagatang Supreme: KZ Tandingan sa MOA Arena sa June 22.

Facebook Comments