Special Investigation Task Force Group Binuo sa Pagresolba sa Pagpaslang kay Ex Board Member Hernandez

San Mateo, Isabela – Bumuo ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa ibayong pagsisiyasat sa pagbaril at pagpatay noong gabi ng Lunes, July 01,2019 kay dating Liga ng mga Barangay Federation President Napoleon “Nap” Hernandez sa San Mateo, Isabela.

Habang binabagtas ng minamanehong kotse ni Hernandez ang daan sa bahagi ng Barangay Dagupan ng nasabing bayan nang barilin siya ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

May natukoy ang pulisya na dalawang person of interest pero hindi pa mailalantad ng pulisya ang kanilang pagkakilanlan hangga’t walang matatag na ebidensiya laban sa kanila.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Col. Mariano Rodriguez, Panlalawigang Direktor ng IPPO, inatasan niya si PMajor Jeffrey Raposas, hepe ng San Mateo Police Station na puspusan ang gagawing imbestigasyon sa nakuhang lead o gabay sa pagpatay kay Hernandez batay sa mga nasuring CCTV footages.

Ipinaliwanag ni P/Col. Rodriguez na ang pagbuo SITG ay ginagawa ng PNP 24 oras pagkatapos ng krimen kung wala pang malaking resulta ang imbestigasyon ng pulisya.

Binuo ng ibat-ibang sangay ng law enforcement unit tulad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Posible aniyang magsasagawa rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kung hihilingin ng pamilya ni dating Board Member Hernandez.

Tinitignan anggulo ng pulisya ay may kinalaman sa pulitika ang tinututukan sa pagsisiyasat sa pagpatay kay Hernandez.

Inatasan din niya ang mga hepe ng pulisya na bantayan ang mga lokal na ehekutibo sa kanilang nasasakupang lugar na may banta sa kanilang seguridad.

Ang bawat local chief executive aniya ay maaaring mabigyan ng dalawang police escort.

Kauganay nito, nakatakdang maglabas ng reward money ang provincial government para sa agarang ikadarakip ng mga pinaghihinalaan at nasa likod ng pamamaslang sa bago sanang itinalagang municipal administrator ng bagong Mayor Gregorio Pua ng nasabing bayan.

Facebook Comments