Special Investigation Task Group, binuo para tumutok sa imbestigasyon sa pagkakapatay ng isang journalist sa Sorsogon

76

Bumuo na ng Special Investigation Task Group o SITG ang Police Regional Office 5 o Bicol PNP at Sorsogon Provincial Police Office.


Ito ay matapos na mapatay kagabi ang isang online journalist na si Jobert Balidoy Bercasio, 39-anyos na nagtatrabaho sa Balangibog TV sa Sorsogon City.

Ayon kay Police Regional Office 5 Director P/BGen. Bartolome Bustamante, inatasan niya na ang Provincial Director ng Sorsogon PNP na si P/Col. Roque Bausa na makipag-ugnayan sa Task Force Usig para sa mas malalim na imbestigasyon sa krimen upang matukoy ang totoong motibo sa krimen.

Mag aalas 8:00 ng gabi kagabi nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek si Bercasio sa Seabreeze Homes, Barangay Cabid-an, Sorsogon City.

Sa pamamaril, nagtamo ang biktima ng apat na tama ng baril sa kaniyang katawan bago tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Facebook Comments