Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagpatay kay National Democratic Front of the Philippines Peace Consultant Randy Malayao.
Ayon kay Cagayan Valley Regional Police Chief Jose Mario Espino, wala pa silang natutukoy na suspek sa pagpatay kay Malayao.
Aniya, hawak na nila ang kopya ng CCTV footage mula sa pinangyarihan ng pamamaslang.
Sabi ni Espino, posibleng may kinalaman ang nangyaring pamamaslang sa pagiging miyembro ni Malayao ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Matatandaang pinaslang si Malayao ng isang gunman kahapon ng umaga habang natutulog ito sa loob ng bus sa isang stopover sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Facebook Comments