Special investigation task group na tututok sa mga reklamo laban sa Kapa, bubuuin ng PNP

Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng special investigation task group na tututok sa mga reklamo laban sa Kapa Community Ministry International at sa founder nitong si Joel Apolinario.

Kasunod na rin ito ng pagkakaaresto kay Apolinario at 23 kasamahan nito sa Surigao Del Sur dahil sa kasong syndicated estafa.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, unang tutukuyin ng special task group ang mga properties at bank accounts ng Kapa at kung sino-sino ang mga lehitimong claimants.


Aarestuhin din ng PNP maski ang umano’y mga taga-gobyerno na kasama sa grupo.

Sinasabing may mga pulis at sundalo na kabilang sa Kapa.

Samantala, pinag-aaralan ni Gamboa na bigyan ng pabuya o promosyon ang mga miyembro ng Caraga PNP na tumulong para maaresto si Apolinaro.

Facebook Comments