Special Investigation Task Group, pinagana ng PNP para tutukan ang kaso ng pagpatay sa isang journalist sa Pangasinan

Bumuo at pinagana na ng Police Regional Police Office 1 ang Special Investigation Task Group para tumutok sa kaso ng pagpatay sa isang journalist at columnist sa Pangasinan na si Virgilio Maganes, beteranong mamamahayag sa Villasis, Pangasinan.

Ayon kay PRO 1 Regional Director Police Brigadier General Rodolfo Azurin Jr., kinokondena nila ang pagkakapatay kay Maganes.

Aniya, mayroon nang leads at persons of interest ang SITG Maganes na natukoy sa pamamagitan ng nakuhang CCTV footage na malapit sa pinangyarihan ng krimen.


Pero umaapela pa rin ang PNP sa publiko na tulungan sila sa pangangalap ng impormasyon para sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

Maaari aniyang i-text o tumawag sa mga numero ng Pangasinan Provincial Police Office na:
09369097844
09171489938
(075) 542-7185.

Matatandaang pasado alas-6:00 ng umaga kahapon nang pagbabarilin ang biktima ng mga naka-motorsiklong mga suspek na agad nitong ikinamatay sa Sitio Licsab, Brgy. San Blas Villasis, Pangasinan.

Facebook Comments