
Nabuo na ang special manhunt team para maaresto agad si dating Police Col. Rafael Dumlao III.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, bahagi ng manhunt team ay ang mga tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine National Police (PNP) habang magmumula naman ang intel sa PAOCC.
Kasunod na rin sa utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin na magkasa ng manhunt operation laban kay Dumlao.
Aabot naman sa isang milyon ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon ni Dumlao.
Matatandaang na-convict si Dumlao ng Court of Appeals noong 2024 dahil sa pagiging mastermind sa pagdukot sa isang negosyanteng Korean national sa loob mismo ng Camp Crame noong 2016.









